Thursday, July 22, 2010

love

I believe that two people are connected at the heart, and it doesn´t matter what you do, or who you are or where you live there are no boundaries or barriers if two people are destined to be together.

Wednesday, July 21, 2010

alam mo bang....

Hindi lahat ng nakikita ay totoo, maaring sa mga magaganda at masasayang nakikita naten ay may lungkot na pilit tinatago. Mas madaling ngumiti at ipakitang okay ang lahat kesa, manahimik at damdamin ang sakit na halos lumamon na sa ating buong pagkatao.

Sunday, July 18, 2010

Laurel and Mapple kissing



yahoo.. success nag-itlog na sila laurel and mapple. almost all na pinagpares ko nag-itlugan na. yung lutino na lang problema ko ayaw talaga mag itlog next month babaklasin ko na sila!

Thursday, July 15, 2010

advance birthday wish

this coming september babata nanaman ako ng 1ng taon. well, 18 na ko haha! sorry hindi ako tumatanda! feeling ko sobrang child at heart ako. tumatanda man ang edad ko. isip ko parang bata pa din. pero nasa lugar.. marunong naman ako magseryoso sa buhay.

never pa natupad ang aking birthday wish sa tanang buhay ko. kaya ngayon pa lang hihiling na ako.! gagawa ako ng paraan para matupad yun. simple lang naman ang hiling ko!

"Makakain ng Jelly Beans-kahit na anong flavor"

pagsusumikapan kong maghanap ng jelly beans. alam ko sa mall naman siguro meron niyan. hehe. sana matupad na wish ko na ito.

yung mababait jan pwede din regaluhan niyo ako! hehehe.. birO lang. pag may nagbigay di ko rin kakainin gusto ko pagpapaguran kong hanapin sa mga mall. :) pero may idea na ako kung saan kailangan ko na lang pumunta before ako mag birthday! :)

kurby pictures




Wednesday, July 14, 2010

A new dog

i have a new dog buddy named "kurby" got him last july 13, 2010 tuesday.

his a japanese spitz split to shit zhu. di ko alam kung paano nangyari yun hehe. soon i will post some of his photos here. brown out kasi di ako nakapag charge ng battery ng digicam.

kurby is just a present for me by a friend. matagal ko na kasi gusto magkaroon ng alagang aso sa karangalan. meron naman kaming dog eh. kaya lang nasa pampanga siya eh. di ako madalas na magstay sa pampanga ngayon eh. kasi dati madalas ako doon dahil may nag-aalaga pa sa mga birds ko. yung brother ko dati dito siya naka-assign sa malapit na hospital lapit sa house. eh nagkaproblema kaya lumipat siya sa pampanga. doon na siya ngayon nakabase. ako na lang madalas sa house ng tito ko. may house tita ko kaya madalas sila doon. mas gusto ni tito mori doon eh. ano magagawa ko. hahaha.

Monday, July 12, 2010

rason ko

Nitong mga nagdaang mga araw hindi ako gaano nakakapag-update ng blog ko. Kung nakaka online man ako sandali lang mas inuuna ko i-update ang aking facebook ko at twitter over my blogger account.

Mga iilang rason kung bakit hindi ako nakakapag update ng blog ko:

  1. Umuwi ako ng pampanga 2 days ako doon walang internet doon. May laptop man akong dala wala akong wireless connection! Walang silbe noh?
  2. Pag kabalik ko ng pasig wala akong madaming pera na pambili ng load sa net! Wala akong extra allowance sa house. Kung magkakapera man ako hihintayin ko pang magbayad ang tenant ng apartment. Lagi pang late kung magbayad ng rent!
  3. Nagkapera man ako at may capability ng bumili ng card, tinamad naman akong magsulat!
  4. Nawili ako sa paglilinis ng house dahil akala ko mapapa-aga ang balik ng mga tita ko at ng tito ko.
  5. Unexpected dumating sina mama at tito. Buti na lang at nakalinis ako ng maaga! Naging busy ang lola mo sa pag asikaso sa mga kailangan nila. 4 days kaming naglibot kung saan saan. Madaming inasikaso pumunta ng mall, bank, money changer etc. madami pa. ayaw ko ng maalala ang araw na ito.
  6. Ang daming nilabhan ko halos mapilay na nga daliri ko!
  7. Tinuruan ko ang tito kong mag text binilhan namin siya ng cellphone para makontak siya ng kaibigan niyang hapon din.
  8. Nagpunta ako sa bahay aking matalik na kaibigan! Dahil aking napagtanto na taon na ang nakalipas nung huli kami nagkita. Kung hindi mo pupuntahan yun di ka naman niya dadalawin sa bahay!

Ayan na detalye ko na ang iilan kong ginawa habang ako ay invisible sa aking blogging life!. Naging abala din ako sa pakikipagkulitan sa mga chatter ng MIRC. Wala pa rin silang pinagbago malilibog pa rin sila! Nakakainis sana naman merong mga chatter na hindi ganoon. Hindi naman kasi malilibog gusto kong kausap. Para sa akin walang kwentang makipag-usap sa mga taong ang nasa utak lang ay kalibugan! Sa kasalukuyan ay nagpapahinga na ang aking diwa wala nanaman kasi akong kasama ngayon sa bahay. Nakapagrelax na ako ulit. Nagsosoundtrip ako ngayon. ‘wag na ninyo itanong anong genre ang pinakikingan ko. Pagtapos kong gawin ang entrying ito asahan na ang aking paglabas sa terrace at ang pagpuff ng yosi. Hanggang dito na lang muna mga kaibigan.

Sunday, July 11, 2010

Parakeet

cousin of mine dropped by one day in the house and give this book to me. knowing that I read books a lot and i love birds. she did gave me one! i've read it cover to cover. that's how i am addicted to birds! my cousin is working in a local bookstore in robinson's cainta. that's why she have some privillages to get some books in the bookstore for free.

thanks a lot Shamira Dela Cruz!

fiesta!


dahil prone sa pagkabasa ang cellphone ibalot na agad! wala akong pambili ng bagong cellphone! hehe. fiesta sa apalit, pampanga. mahilig ako mag-gala pag fiesta. lakad dito lakad doon. normally pag dadaan ka sa kalsada babasain ka lang! hehehe kaya mabuti na ang handa ka!

madami kaming bisita mga relatives na taga ibat-ibang lugar. busy busyhan ang lola mo sa pag asikaso sa knila. yung shoot na pic na yan tapos na ko tumulong sa haws. pumunta ako sa haws ng lola ko para makita ko sana ang mga cuzins ko pero wala naman sila yung isang tita ko lang na pasaway ang nasa haws ni lola. kinunan pa ako ng picture! kumusta na daw si snow white? balloon yan ng inaanak ko na si jamille. si snow white? ayun patay na! pumutok e.! hahaha.


kinabukasan pumunta kami sa st.peter church sa apalit, pampanga. for the first time nakapagsimba ako na nasa loob ng simbahan! mahirap pumasok sa loob ng church pag fiestang bayan ng apalit eh. nakapasok nga ako pero halos mahimatay naman ako sa init! pawisan ang buong katawan ko mukha lahat!.




grabe na lang ang belief ng mga tao sa imahe ni st.peter! nagpapapunas sila ng mga panyo nila sa santo. they find it miraculous! isa ako sa napasubo na pumunta sa nasabing imahe! 1st time ko ginawa na ipunas ang panyo sa kanya. i cant explain exactly what i feel right after i touch him using the hanky of my aunt. ako ang pumunta sa harap kasi matatanda na ang mga tita ko baka masaktan pa sila sa siksikan ng mga tao kung sila pa ang pipila.