Monday, May 31, 2010

back to manila

last may 28 umuwi ako ng pampanga just to see our dog (gotchi) and to watch the santacruzan. kasi ang alam ko kasama ang aking little pamangkin na si rianne. to find out pag uwi ko doon di pala siya sinama ng parents niya hehe. malakas kasi ang negosyo nila pag sunday. nakita ko si gotchi after 1 month haha.. iba na ang itsura niya nung huli ko siyang iniwan sa pampanga. naging plain na lang ang kulay niya light brown na lang siya ngayon. wala na mejo black part ng ears niya. nakakatuwa nga ang laki laki na niya! ang taba ang lakas kasi niya kumain eh. ang bigat pa binuhat ko siya habang di nakatingin si mama. bawal kasi baka kagatin daw ako ulit eh. oo nakagat ako ng dog namin nung march. may vaccine ako pero di pa complete. may last vaccine pa ako sa june 30 pa. nakakatuwa pag matagal ako di nakakauwi ng pampanga. nakakapanibago ng konti. nakita ko na rin yung aircon nila mama sa pampanga. split type siya. sosyal sana meron din dito sa karangalan para makapag aircon din ako. peace mama ko. bumalik nako ngayon sa karangalan kasi umuwi na rin si ninang sa pampanga kahapon. wala mag aalaga ng birds ko. may inakay panaman si onion ngayon. :) ininvite ako ng neighbor namin sa birthday ng sister niya. ayun libre dinner. (pero kinain ko na yung pansit na niluto ni ninang sa pampanga death anniversary kasi ni lola soleng ngayon nagpadasal kami. hinintay ko pa sila makapagdasal bago ako nakauwi) busog na busog nako kaya konti na lang ang nakain ko sa birthday ni ate tata. na enjoy ko ang stay ko sa pampanga. ang dami manga sa mini mango farm namin sa likod. nanawa ako kakabalat ng kinalabaw na manga. namuti nga labi ko haha! pinaliguan ko si gotchi bago ako umuwi sa manila. atleast kahit paminsan minsan nakakaligo siya. 1 month na daw siya di naliligo eh kawawa naman bantot na niya!. sa santacruzan naman ayun ok naman ang cucute ng mga bata. pero shock yung reyna elena sos me. nakakadismaya hahah! maganda pa ako doon eh. mukha siyang badingers.. :) peace miss. hindi lang naman ako ang nagsabi. maganda pa yung pinsan ko na nagsagala din siya ang reyna emperatriz. cute niya. magaganda kasi ang lahi namin.. :) sorry po malakas talaga ang self confidence ko na maganda ako. ayaw ko isiping panget ako. no way! maganda ako! hahahahaha! di ko nga lang nakita ang mga bulillit kong pamangkin. (maki & riane) pero masaya lahat ng experience. kahit na bago ako umuwi mejo nagkatampuan kami ni mama. sana di siya galit sakin.

Thursday, May 27, 2010

simply thoughts

  • tumawag na ako sa quickdata next week nanaman daw sila tatawag. hays.. kelan po ba talaga? pinaasa na lang yata ninyo ako eh. sinabi ko kay ninang yung sinabi sakin. sabi sakin ni ninang "sanay ka na naman diba? na next week tatawag?" nakakasad naman ang life ni ako today!
  • i had my pedicure napansin ko matagal na palang di nakakatikim ng linis ng mga nails ko! ilang months na rin siguro.
  • may pinisa na si onion na egg niya! isa nga lang. kahapon siya nagpisa. ang liit parang mamamatay yung chick. :( may 4 eggs pang natira. wait pa ako kelan uli siya magpipisa.
  • ngayon ko lang nakunan ng picture yung stones na nakuha ko sa hundred islands pati yung souvenir na binili sakin ni mama sa manaoag! ito oh... pasaway akong bata may nakita na nga ako na nakapaskil "TAKE NOTHING, LEAVE NOTHING" kumuha pa rin ako ng stones hehe.. sorry parang bato lang eh. :) nakakatamad magkwento about the pangasinan trip ang dami kasi ng details eh next na lang ulit yung update about doon ha. baka umuwi ako ng pampanga ngayon. sana sipagin ako. :)

....

di ako natuloy sa pampanga after ng pangasinan trip namin. andito ako sa manila ngayon. wasted! di pa rin tumatawag yung taga quickdata. bakit kaya? bukas try ko tawagan for the update. di ko alam kung pinapa asa lang ako doon. pag naconfirm ko na oo. uuwi na lang muna ako ng pampanga. hays.. sana naman wag.. gusto ko na talaga magkawork! Lord please.?

Pangasinan Adventure

last may 26, 2010 we went to pangasinan. me mama tito yasunori and ninang. woke up at around 3:15 am ang call time kasi eh 4am. had coffee and shower then some chit chat with my tita's. i sat at the 3rd sitter on the left side of the urvan. nag hire lang kami ng sasakyan going to pangasinan. were join by some neighbors. some of them kilala namin personally but some mukha lang kilala ko. all in all we are 14 kasama na ang driver. it takes a long way going there. ang sakit sa pwet hehe. pero ok lang! di ako gaano nakatulog sa byahe. nagstop over kami sa Villasis Market. naisipan lang nila mamili ng murang gulay doon. sa harap mejo mahal. pero pag sa likod ka namili mura daw. ewan ko lang yung mga tita ko sa harap lang bumili eh. bumili sila ng tupik. masarap ang tupik nila doon. lalo pa bagong luto ang nabili nila. di tulad ng pinamimigay minsan ng mga kapitbhay namin na maliit na matigas pa. hehe.



dahil nga hindi naman ako nakatulog sa byahe namin nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtitingin tingin sa views na dinadaanan. nag shoots ako ng konti on the way. hanggang magpakita na si haring araw. :) oh yeah. ang ganda niya!



nakarating kami sa manaoag ng 9am na. nagsimba kami di na namin naabutan ang mga readings homily na agad. lahat ng songs puro kapampangan. may mga guess kasi yung priest na mga kapampangan. pero english ang mass. after the mass ang sindi kami ng candles for our own request. :) then pumila sa paghawak doon sa Our lady of Rosary of Manaoag. dito kami tumagal ng sobra na inabot na kami ng tanghalian sa church pero ok lang. worthy naman ang waits dahil naexperience ko uli ang mahawakan kahit ang damit ni mama mary. masarap ang feeling ko while in the church sobrang peaceful. kinalimutan ko muna ang lahat mga iniisip ko. nagfocus ako sa paghiling kay mama mary.

after the long lines... lunch na kami doon din kami naglunch sa picnic area ng church may mga cottages doon na pede kainan naman eh. may mga baon kami foods. share share... :)

mga 1pm umalis na kami sa manaoag punt na kami sa Alaminos, Pangasinan akala ko mejo malapit lang ang byahe pero nauwi ang kakahintay ko sa katagalan hehe.. 1 hour and 30 minutes ang naging byahe papunta sa Hundred Islands. (123 islands) at first di ako natuwa ang hindi naman maganda ang parking lot hehe.. ang layo pala ng islands kailangan pa naming sumakay ng boat and have to pay 1200 for it. una ayaw na sana namin kasi nga hapon na. pero sayang naman daw. kaya ayun sumakay pa rin kami kaya lang 3 islands lang ang mapupuntahan daw. during the ride sa boat. excites me so much ang dami mo makikita palang islands. hehe.. i enjoyed it a lot. yung 1st island na pinuntahan namin yung governor's island. ang ganda paradise for me. parang kota keluarga. yung pinuntahan namin sa san juan before nung nagwowork pa ako sa bank. tuwang tuwa ang lahat ng mga kasama namin. nag shoots kami sa island na iyon. 15 minutes lang kami. after nun.. sakay uli boat ang go to other island. and to the another one na kung saan naligo kami sandali nga lang. si ninang and mama hindi naligo maalat kasi ang tubig sobra! kaya kami na lang ni tito ko ang naligo. dahil hindi ako marunong mag swin dun lang ako sa gilid hahah!. kailangan ko na ata mag-aral mag swim. parang sa water ako mamamatay eh! galing pala mag swim ni tito ko hehe.. lumayo siya pumunta siya sa malalalim. :) ako wala boring doon lang. aba 2 ko tita sa may pampang (ilublob ko daw ang katawan ko!). eh gusto ko nga magpaitim ng konti eh. hehehe.. natapos ang swiming moments kasi nagsawa nako sa tubig ako na ang sumuko hahaha! ang alat nga kasi ng water eh. habang asa boat pabalik ng van aysus ang kati ng katawan ko pati namula ang chicks ko. aba! mestisa ka ba petitay? hahaha!! asteg noh! ala lang sinabi lang ni ninang at ni lynlyn yung anak ng friend ng tita ko. after magshower kumain lang kami kasi gutom na ang pinoy. after namin kumain sumibat na kami sa pangasinan kasi 6pm na. gagabihin na kasi kami eh.


dapat uuwi kami ng pampanga. pero hindi kami natuloy bababa dapat kami sa tulay eh. kaya lang lumagpas. haha.. naghanap kasi ng exit yung driver namin. akala niya exit ang hahanapin niya hindi niya alam illegal na daan lang ang bababaan namin. kaya umuwi na lang kami ng karangalan so choice. nakarating kami sa house ng past 10 na. natulog kami 11 na kasi tinignan pa nila mama ang photos sa TV. :) so tiring trip pero nag enjoy naman ako ng sobra. salamat Lord sa experience. sa uulitin po... ito nako after the tiring pangasinan adventure!!!!

Wednesday, May 26, 2010

update on the trip

Pangasinan trip yesterday is so tiring!! pero I enjoyed it a lot. seen Our Lady of Rosary of Manaoag and the hundred islands in alaminos. great escapade! sana maulit ulit soon i will be uploading the photos on my facebook account. o siya. rest na muna akO.. migraine is here obvious ba? saket ulo ko! arrgh! =(

Tuesday, May 25, 2010

My Birds Names

Sesame
Onion
Lemon
Lime
Laurel
Kimchi
Cherry
Canoni
Kismet
Ponkan
Fanzy
Apples
Macopa
Meeble
Mapple

all in all 15 na sila in a year yung iba bigay yung iba anak nila onion and sesame. March 16, 2009 ako nag-start mag bird keep. :) I enjoyed them so much even my tita's and tito. Love hearing them every morning. Alarm clock ko sila. :) feeling ko palagi akong nasa pampanga.

unplanned trip

naku its not plan arrgh.. alam ko lang punta kami ng manaoag pangasinan pero di ko alam na may plan pa mga kasama namin na mag tour pa around hundred islands. well, i will give updates after. its 12am na pero di pa ako tulog! haha. excited ka ba petite? hehe..

sana maganda yung puntahan namin para makapag unwine ng konti lang.. :)

will go to the shrine of Our Lady of Manaoag well sabi nila you can make a wish pag punta mo sa shrine na iyon. When I was a kid nagpupunta kami doon. alam ko ng pwede humiling sa Manaoag, pero nakalimutan ko na hiniling ko. hmmm.. pero naalala ko di natupad ang wish ko eh. saklap! baka di ako seryoso non. nene pa kasi ako non eh. o baka mahirap maabot ang hiniling ko noon. :) baka naman nagwish ako na maging superhero para mabanatan ko ang mga nanunukso sakin, o di kaya eh gumanda ako. to think. maganda naman ako sa paningin ko. ang dami nga nahuhumaling aw! baka tamaan ako kidlat oo na joke lang yun.

chat down ko nga ang wish (manaoag shrine) ko for the first time! tignan ko after 10 years kung nangyari hehe..

  • sana magka permanent work na ako.
  • makakilala ako ng isang mabuting guy na mamahalin ako.
  • maging maayos ang buhay ng parents ko.
  • magkaroon na ng work ang RN kong kapatid makapag abroad sana siya.
  • maging malusog at masisigla ang lahat ng mahal ko sa buhay.
yan lang po. salamat mama mary. :)

becoz its hot!

dont have choice tinanggal ko ang bed ko sa room sa lapag ako natutulog ngayon. ang init naman kasi. Lord, ulan naman po oh..? hehe.. wag lang sobra Lord, balita ko after ng el nino sa pinas la nina naman po.. wag naman po sana..

Mr.Moony


before ako natulog kagabi habang nagyoyosi kinunan ko si Mr.Moon kung boylet lang siya matagal na akong nahumaling sa kanya. haha! siya yung lagi andyan sa tabi ko when ever I am sad...

Monday, May 24, 2010

BDO account update

yesterday I went to the bank to have an update of my account in Banco De Oro (Sta.Lucia Branch). it turns okay naman. damn. 1 year interest niya is 24.00php lang. hehe.. anyway i think i should save more and more money! im not getting any younger! dah!

LibLo.. libro pala



Of all the books that Bob Ong does ito ang pinaka-favorite ko! lalong lalo na yung ABNKBSNPLK. Sir Bob binili ko yan ha. at take note paulit ulit ko binabasa yang dalawa na yan.. hehe.. lalo yung ABNKKB..... :) love kita sobra ang galing mo kasi kunin ang atensyon ko eh! salamat minsan nakikita ko sarili ko na nalilibang at napapangiti habang nagbabasa ako. sana nga lang walang mag isip na may sayad ako. isasama kita kung san nila ako dalhin gusto? joke lang..

Sunday, May 23, 2010

Work wer na u dito na me!


Dahil sa sobrang prostrated na magkawork sinasamantala ko pag meron akong load sa net. Paminsan-minsan lang kasi ako may load. Syempre! wala naman akong datung. Pera nila mama ung pinambibili ko ng load sa net. Pati nga minsan yung pangyosi ko. hehe. nakakahiya pati bisyo ko! ('Wag ka maingay!).

Isang gabi, kinarir ko na ang pag-aaply sa mga job engines na available na kaya ng powers ng connection kong sobrang bagal. Pasok ako sa jobstreet.com pero wala gaanong job vacancies na encoder. Kung meron man. sus me! with pleasing personality. Pag nakakakita na ako niyan di ko na tinutuloy ang pag-aapply ko para saan pa? Alam ko naman ang tingin sa akin ng ibang tao! hehe... bakit nga ba di nila makita ang angkin kong kagandahan. (eepal ka? di pede!) Dahil nga wala sa jobstreet.com punta naman ako sa jobsdb.com.ph mejo ok naman kaya lang kinailangan ko pang gumawa ng account ko sa jobsdb.com.ph dahil first time ko pumasok sa site nila. After, nagawa ko na nga ang account. hala sige browse lang ako ng work. (office staff, encoder, graphic artist etc. basta kaya ko). Ang dami ko pinagbigyan. Mga 12 companies po. dami noh? mas ok na yung madami! Madaling mamili sa ididisregards. Joke lang. Ako nga pala ang palaging disregarded. haha.!

Friday afternoon... (papunta ako simbahan para magsimba) teka nililinaw ko lang di ako santa ha. :) nagsisimba lang talaga ako pag feel ko pag di ako sinasabihan ni ninang at mama. Tumawag yung isa sa inapplyan ko. Quickdata Management Inc. Yung company nila. Inunahan ko na yung employer! Sinabi ko kung ok lang na may defect nga ako. Tapos ang tagal niya bago ako sagutin ulit tinanong sa boss niya siguro. Pagbalik ok lang daw. Ayun denescribe pano ang pagpunta. Ano ang kailangang dalhin ko for exam and interview. Asahan daw ako sa monday 9am.

Monday morning, pumunta ako sa makati. palanan makati ang address ko. di ko alam bat sa salcedo village ako pumunta hahaha!! tanga ko talaga.. akala ko kasi minsan basta makati sa salcedo lang yun. hahaha!! anyway, nakita ko naman ang address nila. pero mejo malaki ang pamasahe papunta pa lang sa office nila. buti na lang maaga ako umalis ng house kaya kahit na naghanap ako ng office nila di ako late. maaga ako sa takdang oras na binigay sakin. 9am nga usapan eh 8am pa lang andon nako. well, 1 hour ako naghintay don sa baba. buti pinapasok ako nung isang empleyado don.

........... fill up ko application forms nila then deretcho exam tapos typing test. encoder nga diba? after non tapos na kinausap na ko ni ms. ammm.. nakalimutan ko name niya. sorry mam. :) sabi niya base sa nakita niya qualified ako. tawagan na lang nila ako kung kailan ako start.

nakahinga ako ng mejo maluwag. mejo nga lang minsan kasi ganun din sinasabi sakin ng ibang employer eh. sabi sakin with in next week tawagan nila ako.

lumipas tuesday to sunday. walang tawag!

monday naisipan ko tumawag sa kanila. finafinalized pa daw kung sino ang i-oorient at kung kailan. tawagan na lang daw ako with in this week. ah ok mam. thanks po.

kinakabahan ako! di ko alam sana naman po. 'wag ako paasahin sa wala nung employer na iyon. pero umaasa pa rin ako na maging ok ang lahat.

Hoping this week may update pa ako sa inyo about my job search..

Work! soon?

Ex-boyfriend spoted in friendster and facebook

Dahil sa paulit-ulit na pagtanong sa akin ng cousin ni rudy kung nakakachat ko siya. Hinanap ko siya sa friendster alam ko naman kasing baduy siya kaya malamang friendster ang una niyang gagawin imbes na facebook. ayun type ako rudy panga meron lumabas babae ang primary pictures. hala di na ko magtataka baka gf niya yun. tama ang hinala ko. gf nga niya. Tinignan ko ang mga photos andon meron siya isang picture. add ko yung account niya. nagmessage na rin ako.. simpleng hello lang.

Nag-out nako. nabagot na ko naka online. . .

Naisipan kong hanapin siya ulit. Rhudz ang ginagamit niya na name eh. Type ako rhudz panga. wualllaaa... lumabas ang real account niya for sure kanya yun dahil madami ang pictures niya! at may mga comments din po. Nagsearch na rin ako sa facebook. Meron din siya add ko siya! Hindi ko nga lang alam nito kung aaprove niya both. I hope so may pinagsamahan din naman kami dalawa. Hindi lang bilang magkaibigan kundi mag-on and off. Hahaha!..
Aminado ako namiss ko siya! Namiss ko yung thrill pag kasama ko siya! Lahat pati yung feelings na di ko maexpress. Nag flash back lahat sa akin nung nakita ko kanina yung pictures niya! Siya lang naman ang lahat ng first ko sa buhay! first crush na todo! first bf na di ako sineryoso. First Kiss ko. First do.. alam mo na yun. Siya siya yun lahat!! This guy makes me crazy once. I've tried to forget him. Nakamove on na ako. Ngayon mas lalo ako kinakabahan dahil nilalapit ko nanaman ang sarili ko sa kanya. Kaya dapat maging handa ako sa kalalabasan. goodluck sa akin..

di ko ba pinahihirapan ang sarili ko ngayon? sabihin mo? bakit ba gusto ko pa ng communication with him? alam ko naman na in the long run ako rin naman ang masasaktan!

Simply Introduction

hello blogger world. I finalized it now... from now on dito nako mag boblog about my life! dito na lang. hindi na muna siguro sa tabulas or sa wordpress. pag may mga topics na lang sa wordpress.com hehe.. pero hindi ko pa isasara ang www.kapehanonline.wordpress.com mahal ko ang blog ko na yan. jan ako humugot dati ng lakas ng loob na maging blogista. pangarap ko isang araw magkaroon ako ng sarili kong domain for my blog! kahit sa wordpress.org lang. ayaw kasi ma download. failed e pag try ko siya idownload sa lappy ko.

so see you around guys! hope u'll enjoy every post i made.. (",)